Panaginip Lang Pala
Mag-aala una na nang madaling-araw. Eto pa rin ako hindi
mapakali, biling dito, biling duon, hindi ko maintindihan kung bakit pati ang
tatlong taon kong unan na ginagamit gabi-gabi ay sinisisi ko kung bakit hindi
ako dalawin ng antok. Marahil dahil hindi na ito kasing-lambot gaya nang dati,
samahan pa nang medyo mag-iisang linggo nang hindi nalalabahan. Kung
magkakapagsalita lang siguro ito, kung ano-anong salita na ang maririnig ko.
Pagpatak nang alas-dos nakakaramdam na ako ng antok,
sunod-sunod na ang hikab na halos ikapunit na aking bibig. Ang aking mga mata
ay unti-unti nang bumabagsak at pakiramdam ko ay hinahatak na ako sa kawalan.
Biglang tumahol ang aking alagang asong si Sassy. Si Sassy
ay isang asong may lahing Chow-chow at Siberian Husky, sa kulay niyang puti ay lagi
siayang napagkakamalan asong lobo. Pagkarinig ko nang kanyang sunod-sunod na
tahol, bumaba ako upang alamin kung ano ang problema. Ikot siya nang ikot sa
kanyang kulungan, gusto niyang makalabas, tila ba meron siyang kaaway.
Sinubukan ko siyang pakalmahin ngunit hindi pa rin siya mapigil sa patahol,
kaya pinakawalan ko siya sa kanyang bahay. Dali-dali siyang tumalilis papunta
sa likurang bahagi na bahay. Sinundan ko siya at duon ko nakita ang isang
malaking ahas. Napakalaki tila ba kasing-laki nang nasa pelikulang anaconda.
Humihiyaw ako nang tulong upang magising ang kapitbahay ngunit tila ba ako
lamang ako nakakarinig ng aking boses. Habang kinakahol ni Sassy ang ahas
kumuha akong kang kahoy na may pakong dalawang pulgada ang haba hinampas ko ito
sa ulo, sa katawan, sa buntot at ito ay namatay. Nanginginig ang buo kong
katawan habang hinahatak ko ang patay na ahas patungo sa isang malalim na hukay. Ngunit bigla itong nabuhay at akma akong
tutklawin, buti na lang at ako ay mabilis na nakaiwas. Muli akong tutuklawin
kaya agad akong bumalikwas at nahulog sa kama, nagising at bumalik ako sa
reyalidad. "hay, salamat panaginip lang pala". Paglingon ko sa aking
orasan alas-syete na. Kailangan na namang mag-madali dahil mahuhuli na naman sa
ako sa aking klase. Umaatikabo na naming sermon ang aabutin kay Ma'am. Muli akong
nag-ala ninja sa kilos, at nang palabas na ako ng pinto. Laking gulat ko dahil
hindi ko mahawakan ang pintuan. Kaya muli akong natakot.
Pero buti na lang, panaginip pa rin ang lahat, nagkaroon
pala ako ng dalawang magkasunod na panaginip. Kasi nang tunay na akong magising
mag-aalas singko pa lang, kaya may isang oras pa ako, para baguhin ang mga
naunang panaginip. Akala ko nuong una, totoo na. Panaginip lang pala.
No comments:
Post a Comment