Sunday, October 12, 2014

Pagkahilig ng Kabataan Filipino sa Wikang Banyaga


Filipino 8
Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag
Pinal na papel

Pagkahilig ng Kabataang Filipino sa Wikang Banyaga

Ang wika ay ang pinakamabisang paraan sa paghahatid ng mensahe, wika rin ang maaaring makapatibay at makapagpabagsak sa tao. Ang wikang banyaga ay ang mga salitang hiram na ginagamit ng isang bansa upang punuan ang mga kakulangan ng wika.

Marami nang iba’t-ibang wikang banyaga ang tuluyan nang niyakap ng mga kabataan. Nariyan ang wikang Koreyano, Itsik, Pranses at lalong lalo na ang wikang Hapon o Nihongo. Araw-araw tayong nakakabasa ng mga wikang banyaga sa mga lebel ng mga produkto, napapanuod sa telebisyon gaya ng mga sikat anime sa telebisyon, at maging sa mga pahayagan, komiks (“manga” sa wikang hapon) at sa lansangan makakakita ka ng mga salitang banyaga. Sa pagdating ng mga pelikula, teleseryeng koreyano, at makukulay na anime ng hapon. Hindi na napigilan ang pagtangkilik ng mga Filipino lalong-lalo ng mga kabataan. Sino nga ba ang hindi nakapanuod ng Fullhouse, My Sassy Girl, Miracle cell 7 at iba pang makabagbag damdaming pelikula at teleserye ng mga koreyano Kuhang-kuha nila ang panlasa ng mga Filipino pagdating sa drama, dramakomedi naman ang hatid ng Boys Over Flower ng Taiwan. Hindi maaaring wala kang maikukuwento pagdating sa anime, Voltes 5, Doremon, One Piece, Lupin, Dragon Ball, at iba pang nakakatuwa at makukulay na animation katha ng mga hapon.

Ang mahumaling ang mga kabataan sa iba’t ibang wika ay umabot na rin sa paggaya ng kasuotan, buhok, at galaw. Iba’t ibang palamuti maging kahawig lamang nila ang kanilang mga idolo. Ang dahilan ng pagkahumaling ng mga kabataan ay bunsod ng malayang pakikipagtalastasan sa iba’t ibang tao. Nagagamit nila ang kanilang mga natututunan upang gayahin at kausapin ang mga hinahangan, mga taong nais makilala, mapalapit o makapagpapansin sa mga nagugustuhan. Malaking impluwensya rin ang social media, ang patuloy na pagka-expose ng tao sa internet ay maaari siyang matuto o taong nakipag-usap gamit ang iba’t ibang wika. Ito rin marahil ang patok sa kanilang henerasyon, ang makapagsalita gamit ang iba’t ibang wika ay matatawag na kakayahan o talento. Maraming kurso rin sa kolehiyo ang gumagamit ng iba’t ibang wika gaya ng mga mag-aaral ng Hotel and Retaurant Management o HRM, Tourism at BSIS. Nag-aaral sila ng mga iba’t ibang wika upang magamit sandata sa kanilang magiging  trabaho sa baling-araw. Nakakabahala ang tuluyang pagtangkilik ng mga kabataan sa iba’t ibang wika. Naisasantabi na kasi ang paggamit ng wikang Filipino. Unti-unti nang nababago ang mga pananaw ng mga kabataan na mas magaling ka kung magaling kang mag-ingles o mag-hapon. Hindi na nabibigyang diin ang paggamit ng wikang Filipino na dapat ay lalong paunlarin at gamitin sa pakikipagtalastasan.

Hindi naman masama ang tangkilikin ang mga wikang banyaga dahil karagdagang kaalaman at magiging bentahe natin ito. Lalong-lalo na sa patuloy na pag-unlad ng Pilipinas. Kailngan nating makipagsabayan sa teknolohiya, makabagong makinarya, kagamitan na maaring may mga wikang walang katumbas sa ating salita. Ang pagkatuto ay nakakabuti rin sa maayos na ugnayan nang Pilipinas sa ibang bansa. Ang kaalaman sa ibat’ ibang wika lalong-lalo na sa larangan nang pakikipanayam, talastasan at transaksyon ay patunay lamang na may magandang maidudulot ang wikang banyaga. Wika nga ni Nelson Mandela (2011). “If you talk to a man in a language he understands, that goes to his head. If you talk to him in his language that goes to his heart”. Ngunit huwag nating hayaan tuluyang mamatay o mapalitan ng wikang banyga ang ating wika dahil ang wikang Filipino ay isa malaking parte nang pagkakakilanlan sa ating bansa. Gamitin natin ang wikang banyaga bilang karagdagan wika ngunit hindi upang pamalit sa wika Filipino.

No comments:

Post a Comment