Sunday, October 12, 2014

Street sweeper o magwawalis ng kalsada . Sa pagsubok ko na maranasan ang trabaho ng isang magwawalais, napatunayan kong hindi ito isang biro o madaling trabaho. Ang maghapon kang nakabilad sa nagbabagang araw, minsan umuulan, matuyuan ng pawis ay literal na tawag sa mga taong dugo at pawis ang puhunan upang kumita ng pera. Isang trabahong marangal na dapat nating ipagmalaki dahil sa laki ng kanilang ginagampanan sa pagpapanatili ng malinis at maayos na kapaligiran.
Sana sa atin namang mamamayan, matuto na tayong magtapon ng basura sa tamang na tapunan. Ang mga simpleng gawaing ito ay makakatulong upang mapagaan ang kanilang mga trabaho, makakatulong din tayo kahit sa maliit na paraan na mapanatili ang kalinisan sa lansangan. Ang mga simpleng balot ng kendi, upos ng sigarilyo, tsitsirya, paper at iba pa ay maari na nating ilagay sa sa maliit na lagayan upang hindi na ikalat pa. Maging ang pagdura sa lansangan, pag-ihi ay mga ugaling dapat na nating kalimutan at baguhin para na rin sa kalinisan, kalusugan at kaayusan ng an0ting bayan.

No comments:

Post a Comment